^

Bansa

3 sa bawat 5 Pinoy kulang sa Vitamin D

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinahayag ng Philippine College of Occupational Medicine na tatlo sa bawat limang Pinoy ang kulang sa Vitamin D.

Ito ayon kay Dr. Marilou Renales, director PCOM, ang lumabas sa pag-aaral kung saan karamihan sa mga office worker ang hindi na nasisikatan ng araw dahil maagang umaalis ng bahay at kung umuwi naman ay madilim o gabi na.

Batay sa resulta ng voluntary blood testing sa mahigit 300 manggagawa sa Metro Manila, 58 porsyento rito ang kulang sa Vitamin D habang 30 porsyento naman ang hindi sapat ang lebel ng Vitamin D sa katawan kabilang na ang ilang doktor.

Naniniwala ang mga eksperto na ang pagtaas ng Vitamin D deficiency sa mga Pilipino ay dahil na rin sa lifestyle o paraan ng pamumuhay.

Paliwanag ni Renales, nakukuha ng natural ang Vitamin D sa pamamagitan ng pagpapa-araw sa umaga at maaaring maging sanhi ng mga sakit gaya ng cancer, hypertension, cardio-vascular disease at diabetes ang kakulangan nito. 

 

BATAY

DR. MARILOU RENALES

IPINAHAYAG

METRO MANILA

NANINIWALA

PALIWANAG

PHILIPPINE COLLEGE OF OCCUPATIONAL MEDICINE

PILIPINO

VITAMIN D

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with