^

Bansa

Counter affidavit ng testigo hingi ni Jinggoy

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa gitna ng mga ba­gong kaganapan sa kinakaharap na kaso tungkol sa P10 bilyong isikandalo sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) kabilang na ang testimonya nina Ruby Tuason at Dennis Cuna­nan, humingi ang kampo ni Senator Jose “Jinggoy” Estrada ng kopya ng counter affidavits ng mga bagong testigo.

Ayon kay Estrada, pormal silang nag-request sa Office of the Ombudsman  na bigyan sila ng sworn affidavits nina Tuason at  Cunanan.

Tinawag pa ng kampo ni Estrada na mga “recruited witnesses ang dalawa na  mga respondents din sa kaso pero ginawang testigo ng Department of Justice at National Bureau of Investigation.

Sinabi ni Estrada posibleng kailanganin nilang sagutin ang alegasyon ng mga provisional witnesses  sa kanilang affidavits bagaman at nakapagsumite na siya ng kanyang sariling counter affidavit noong Enero.

Naghain ng kanyang affidavit sa Ombudsman si Tuason noon nakaraang Pebrero 7 matapos itong bumalik sa bansa mula sa Amerika samantalang inihanda naman umano ni Cunanan ang kanyang sinumpaang salaysay noong Pebrero 20.

Sinabi ni Estrada na hinihintay pa niya na mabigyan ng opisyal na kopya ng mga nasabing dokumento kabilang na ang “Consolidated Reply” ng reklamo ng NBI.

CONSOLIDATED REPLY

CUNANAN

DENNIS CUNA

DEPARTMENT OF JUSTICE

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

PEBRERO

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

RUBY TUASON

SENATOR JOSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with