^

Bansa

Nakinabang sa P900M Malampaya pangalanan!

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nais ni Senate Majority Leader Alan Peter Ca­yetano na malaman ng taumbayan kung sino-sinong opisyal ng gobyerno at mga pribadong indibiduwal ang nakinabang sa P900 milyon Malampaya funds.

 Ayon kay Sen. Cayetano, panahon na para malaman kung sino ang mga nagpasasa sa pondo na dapat sana’y napakinabangan ng mga magsasakang napinsala ng kalamidad.

Iginiit ni Cayetano sa Senate Blue Ribbon Committee na dapat simulan na ang imbestigasyon sa P900 million Malampaya gas fund lalo pa’t patapos na ang imbestigasyon tungkol sa P10 bilyong pork barrel fund scam.

Ang pondo aniya ay dapat inilaan sa mga magsasaka na napinsala ng bagyong Ondoy at Pepe noong 2009.

Sinabi ni Cayetano na maaari ng gumawa ng partial report ang Blue Ribbon sa ginawang serye ng imbestigasyon sa pork barrel fund scam upang mapagtuunan naman ng pansin ang Malampaya fund scam.

Ilang opisyal ng Department of Agriculture ang sinasabing sangkot sa paglustay sa Malampaya funds.

Samantala, hinikayat rin ng senador ang Malacañang at Kongreso na iprayoridad ang pagpasa sa Freedom of Information (FOI) bill, matapos na makalusot na ito sa ikatlong pagbasa sa Senado.

Naniniwala si Cayetano na makakatulong ang FOI bill na labanan ang korupsiyon sa bansa.

AYON

BLUE RIBBON

CAYETANO

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

FREEDOM OF INFORMATION

MALAMPAYA

SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE

SENATE MAJORITY LEADER ALAN PETER CA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with