Special body ng AFP tututok sa kaso ni Cudia
MANILA, Philippines – Bumuo na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng isang special body na tututok sa kaso ng nasipang Philippine Military (PMA) cadet na si Aldrin Cudia.
Sinabi ni AFP public affairs chief Lt. Col. Ramon Zagala sa isang panayam sa radyo na tumungo na ng PMA sa Fort Del Pilar sa Baguio City ang mga imbestigador na bumubuo ng naturang special body na pinangungunahan ni Major General Crisologo Nayve, AFP deputy chief of staff for communication and electronic and information system.
Kaugnay na balita: Biazon pinigilan si Cudia na ituloy ang pagsusundalo
Makakasama ni Nayve sa grupo ang mga kinatawan ng AFP Inspector General's Office, Judge Advocate General Office, Office of Ethical Standards and Accountability at Provost Marshall.
Hindi nakapagtapos ang salutatorian sanang si Cudia matapos umanong magsinungaling sa pagbibigay ngdahilan kung bakit siya nahuli ng dalawang minuto sa isang klase.
Iginiit ng PMA na ang pagsisinungaling ay paglabag sa Honor Code na pinapangalagahan ng military academy.
- Latest