LPA nakapasok na ng Pinas
MANILA, Philippines - Nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility ngayong Miyerkules ang binabantayang low pressure area (LPA) ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Ayon sa state weather bureau ay magdudulot ng pag-ulan ang LPA sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.
Namataan ng PAGASA ang sama ng panahon sa 845 kilometro silangan ng Mindanao kaninang alas-4 ng madaling araw.
Makararanas ng maulap na papawirin ang Eastern at Central Visayas gayun din ang Mindanao na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan.
Samantala, magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap naman ang kalangitan ng Luzon na may pulu-pulong pag-ulan.
Pangangalanang “Caloy†ang LPA kung tuluyan itong maging bagyo, ayon pa sa PAGASA.
- Latest