^

Bansa

Biazon pinigilan si Cudia na ituloy ang pagsusundalo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matapos hindi makapagtapos sa Philippine Military Academy si Aldrin Jeff Cudia, pinayuhan siya ni Muntinlupa Rep. Rodolfo Biazon na huwag nang bumalik pa.

Sinabi ni Biazon, na dating hepe ng Armed Forces of the Philippines, na ayaw niyang mabaon ng peer pressure si Cudia kapag ipinagpatuloy pa ang pagpasok sa military.

Noong 1950 ay may dalawang kagayang kaso si Cudia na lumabag sa Honor Code ngunit nakapagtapos pa, ayon kay Biazon, pero matapos ang ilang taon ay umalis din sa serbisyo dahil sa peer pressure.

"I would agree with him to get his diploma so that he can start anew but I would advise that he should not anymore stay in the service [and he should] complete his resignation kasi he will be a leper out  there, 'yon ang peer pressure na sinasabi ko," wika ni Biazon  sa isang pulong balitaan.

Magtatapos sana bilang salutatorian si Cudia ngunit sinipa ng PMA dahil sa paglabag sa Honor Code nang magsinungaling kung bakit na-late ng dalawang minuto sa kanyang klase.

Nitong nakaraang linggo ay sinabi na rin naman ng pamilya ni Cudia na hindi na babalik ang cadete sa PMA dahil sa takot na mapag-initan.

"Hindi po sa linalahat ko sila, pero may nagsabi na po sa kanila na humanda siya (Cudia) kapag na-comission siya, pagpapasapasahan namin siya," wika ng kapatid ni Cudia na si Avee sa isang panayam sa telebisyon.

ALDRIN JEFF CUDIA

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BIAZON

CUDIA

HONOR CODE

MAGTATAPOS

MATAPOS

MUNTINLUPA REP

NITONG

PHILIPPINE MILITARY ACADEMY

RODOLFO BIAZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with