^

Bansa

Alan at Jinggoy nagsalpukan

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -“Kahit kaibigan kita ‘pag mali hindi puwedeng palagpasin.”

Ito ang naging tugon ni Senator Alan Peter Ca­yetano sa tila naging pa­tutsada kahapon ni Sen. Jinggoy Estrada matapos ang talumpati ng huli na may pamagat na “The tale of two incredible witnesses”.

Sa talumpati ni Estrada, mistulang nag-blind item ito ng sabihin na ginagamit lamang ng ilan nyang kasamahang senador ang hearing ng Senate Blue Ribbon Committee tungkol sa P10 bilyong pork barrel fund scam para sa kanilang ambis­yon sa 2016 elections.

Sinabi ni Cayetano na ang ginagawa nilang imbestigasyon ay hindi tungkol kay Senator Estrada o kaya ay tungkol sa kanya o sa 2016 kung hindi tungkol sa pera ng taumbayan.

“This is not about Senator Jinggoy, this not about Alan Cayetano, this is not about 2016, this is about the people’s money,” ani Cayetano.

Iginiit din nito na na­ging pantay siya at magalang sa mga umuupong testigo sa Senado

Sinabi pa ni Caye­tano na nadudurog ang pagtingin ng taumbayan sa Senado gayundin sa gobyerno dahil sa mga nangyayari kung saan ang mga pulitikong dapat sana’y magbantay sa pera ng taumbayan ay nagi­ging â€˜bantay salakay.’

Iginiit din ni Cayetano na naging pantay at magalang siya sa mga nagi­ging testigo sa Senado at binibigyan naman nila ng pagkakataon ang mga isinasangkot na senador na dumalo sa pagdinig upang ibigay ang kanilang panig.

Maraming tiyansa aniya ang ibinigay kina Estrada, Sen. Juan Ponce Enrile at Sen. Bong Revilla na humarap sa komite.

Pero iginiit ni Estrada na hindi ang blue ribbon committee ang tamang “forum” para sagutin ang mga akusasyon laban sa kanya kung hindi sa korte.

Nauna rito, sinabi ni Estada na  hindi makatarungan ang nangyayari sa kanilang “trial by publicity”.

ALAN CAYETANO

BONG REVILLA

CAYETANO

IGINIIT

JINGGOY ESTRADA

JUAN PONCE ENRILE

SENADO

SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE

SENATOR ALAN PETER CA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with