^

Bansa

Susunod na president dapat babae –Miriam

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Babae ang dapat na sumunod na presidente ng bansa, ayon kay Se­nator Miriam Defensor-Santiago.

Sa talumpati ni Santiago sa selebrasyon ng International Women’s Month sa International Rice Research Institute (IRRI) sa Los Baños, Laguna, sinabi nito na upang matiyak ang la­yunin ng United Nations Millennium Development Goals of gender equality, ang susunod na presidente ng bansa ay dapat maging babae.

Ayon kay Santiago nagkaroon na ng 15  presidente ang Pilipinas kung saan 13 ang lalaki at dalawa pa lamang ang babae.

“We should have a female president in 2016. Research shows that when women are em­powered as political leaders, countries often experience higher standards of living with positive developments in education, infrastructure, and health care,” ani Santiago.

Iginiit rin ni Santiago na dapat mahalal ang anim na babaeng senador sa 2016 elections para magkaroon ng gender equality sa Senado sa susunod na Kongreso.

Nainiwala si Santiago na malaki pa rin ang “gender gap” sa mga public office kung ang pag-uusapan ay gender equality.

“Numerically, half of our high government officials should be women, and half should be men. And yet the division between the sexes is highly disproportionate in favor of men.  In the Philip­pine Senate, in the 16th Congress, of 24 senators, only six of us are women,” ani Santiago.

Nauna  rito, iginiit ni Santiago na hindi dapat mahalal sa 2016 ang mga pulitikong nasasangkot sa pork barrel fund scam.

AYON

IN THE PHILIP

INTERNATIONAL RICE RESEARCH INSTITUTE

INTERNATIONAL WOMEN

LOS BA

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

SANTIAGO

UNITED NATIONS MILLENNIUM DEVELOPMENT GOALS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with