Isyu ng Hacienda Luisita malulutas na
MANILA, Philippines - Inaasahang malulutas na ang isyu sa kinita ng Hacienda Luisita na pag-aari ng pamiya ni Pangulong Aquino. Kasunod ito nang pagkakatalaga ng Supreme Court ng lupon na magsasagawa ng pag-audit sa libro ng Hacienda Luisita Inc. at Centennary Holdings Inc.
Ayon sa SC Public Information Office, bubusisiin ng panel of auditors kung ang mahigit P1.3 billion na kinita ng Hacienda LuiÂsita nang ibenta nito ang 500-ektaryang bahagi ng plantasyon nito sa Luisita Realty Inc. at Luisita Industral Park Corp. ay nagamit sa lehitimong corporate purposes.
Nuong November 2011, tinukoy ng SC na alinmang balanse na bahagi ng kita o kung may halaga man na hindi tama ang pinagÂlaanan ay kinakailangang ipamahagi sa mahigit 6,000 farmer-beneficiaries.
Nauna nang sinabi ng Alyansa ng Manggagawa sa Asyenda Luisita na dapat madisqualify sa pag-audit ang Reyes-Tacandong firm dahil ito ay may ugnayan sa mga Cojuangco na may-ari ng Hacienda.
- Latest