^

Bansa

Sa missing Malaysian plane AFP nakiisa sa search & rescue

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tumulong na rin ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa search and rescue operations sa nawawalang Malaysia Airlines jet na may sakay na 239 katao.

Nagdeploy kahapon ng tatlong barko ang Philippine Navy at dalawang eroplano ang Philippine Air Force para makiisa sa paghahanap sa Boeing 777 Malaysian Airline flight MH370 na nawala nitong Sabado ng umaga.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Lt. Col. Ramon Zagala, alinsunod sa direktiba ni AFP Chief of Staff Gen. Emmanuel Bautista ay minobilisa na ng Phil. Navy ang kanilang bagong biling BRP del Pilar (PF15), BRP Jacinto (PS35) at BRP Mabini (PS 36).

Pinakilos na rin ang mga surveillance plane ng PAF para magsagawa ng search operations sa West Philippine Sea at sa karagatan ng Palawan matapos ipabatid ng pamahalaan ng Malaysia sa mga opisyal ng pamahalaan na nawawala sa pagitan ng katubigan ng Pilipinas at Vietnam ang nasabing eroplano.

Ang flight MH 370 na may lulang 239 pasahero at crew nito ay nag-take off sa Kuala Lumpur dakong 12:30 ng umaga kahapon.

Inaasahan itong lalapag sa Beijing, China dakong 12:41 ng umaga. Gayunman tuluyang nawalan ng kontak sa eroplano bandang 2:40 ng umaga at pinaniniwalaang nasa pagitan ng Vietnam at West Philippine Sea napadpad.

Inalerto rin ang mga units ng militar na nakabase sa pinag-aagawang Spratly Islands sa WPS (South China Sea).

Ayon sa Malaysian Airlines ang eroplano ay pinalilipad ng pilotong Malaysian na si Captain Zaharie Ahmad Shah. Lulan nito ang 227 pasahero kabilang ang dalawang sanggol at 12 crew.

Kabilang naman sa mga sakay nito ay mamamayan ng mga bansang China, Malaysia, Indonesia, Australia, France, the US, New Zealand, Ukraine, Canada, Russia, Italy, Taiwan, The Netherlands at Austria.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AYON

CAPTAIN ZAHARIE AHMAD SHAH

CHIEF OF STAFF GEN

EMMANUEL BAUTISTA

KUALA LUMPUR

MALAYSIA AIRLINES

MALAYSIAN AIRLINE

MALAYSIAN AIRLINES

WEST PHILIPPINE SEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with