^

Bansa

6 years hatol sa ex-gov.

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinatulan ng Sandiganbayan na makulong ng anim na taon si dating Oriental Mindoro Governor Rodolfo Valencia at Edelbert Uyboco, president ng Gaikoku Trading Company matapos mapatunayang guilty sa kasong paglabag sa Section 3(e) ng  Republic Act No. 3019 -Anti-Graft and Corrupt Practices Act. 

Sa  27 pahinang desisyon ng Sandiganbayan, ang kaso ay nag-ugat nang bumili ang lalawigan ng Oriental Mindoro ng mga reconditioned dump trucks sa halagang P6,994,286.00 sa pamamagitan ng direct procurement mula sa Gaikoku Trading Company ng walang naisagawang public bidding.

Batay sa graft court, inu­lat ng Commission on Audit (COA) na ang lalawigan ay direct importer ng dump trucks at ang Gaikoku ang import-in-charge. Napatunayan na ang Gaikoku ay nabayaran ng buo kahit na may naipagkaloob na tax exemption sa pagbili ng lalawigan sa naturang mga dump truck.

Dahil may tax exempt, dapat ang babayaran lamang ng lalawigan sa pagbili ng dumptruck ay P4,594,119.87 kayat nagkaroon ng overpayment na P2,400,166.15.

Pinagbabayad din ang lalawigan ng P2,400,166.15 bilang labis na kabayaran sa pagbili ng dumptruck.

Napatunayan ng graft court na may sabwatan sa pagitan nina Valencia at Uyboco sa pagbili ng mga overpriced dump trucks.

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

EDELBERT UYBOCO

GAIKOKU

GAIKOKU TRADING COMPANY

NAPATUNAYAN

ORIENTAL MINDORO

ORIENTAL MINDORO GOVERNOR RODOLFO VALENCIA

REPUBLIC ACT NO

SANDIGANBAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with