^

Bansa

Tiis muna sa mahabang pila sa MRT - Palasyo

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Humingi ng pang-una­wa ang Malacañang sa mga commuters dahil sa nararanasang mahabang pila araw-araw sa Metro Railways Transit (MRT).

Sinabi ni Communications Sec. Herminio Coloma Jr. na ginagawa ng gobyerno ang lahat upang mapahusay ang paghahatid ng serbisyo sa mga pasahero.

“Lahat naman po ng hakbang ay isinasagawa ng ating pamahalaan sa pangunguna ng Department of Transportation and Communications para matugunan ang patuloy na lumalaking pangangaila­ngan for mass transit o public transportation. Kaya lang po ang mga proyektong iyan kailangan din ng panahon para ganap na maipatupad. Kaya kailangan lang po iyong konting pag-unawa ng ating mga mamamayan na ang mga bagay na iyan ay hindi naman magaganap sa isang kisap-mata,” paliwanag ni Coloma.

Nakatakdang bumili ng bagong mga bagon ng MRT ang DOTC na idedeliber sa kalagitnaan pa ng 2015.

Iginiit din niya na kumikilos ang pamahalaan para maibsan ang pagsisikip sa trapiko at mabagal na commute travel ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng iba’t ibang proyektong pang-imprastruktura.

 

COLOMA

COMMUNICATIONS SEC

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

HERMINIO COLOMA JR.

HUMINGI

KAYA

METRO RAILWAYS TRANSIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with