TESDA chief inabswelto
MANILA, Philippines - Inabswelto ni DOST Sec. Mario Montejo si TESDA director-general Joel Villanueva kaugnay sa PDAF scam kung saan ay inilagay nito ang kanyang pork barrel sa Techonolgy Resource Center (TRC).
Magugunita na idinawit ni ex-TRC chief Dennis Cunanan si Sec. Villanueva noong CIBAC partylist representative pa ito na kabilang sa mga kongresista na naglaan ng PDAF sa TRC para sa non-government organization ni Janet Lim-Napoles.
Sinabi ni Montejo, batay sa record ng TRC ay na-liquidate ni Villanueva mula 2007-2009 ang mga PDAF na inilagay nito.
Sa affidavit ni Cunanan sa Department of Justice (DOJ) ay umabot umano sa P3 milyon ang sinabing inilagak ni Villanueva sa TRC para sa NGO ni Napoles.
“This can be validated also in the Commission on Audit special report,†paliwanag pa ni Montejo.
Nasa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Science and Technology (DOST) ang TRC na dating pinamumunuan ni Cunanan.
Magugunita na iginiit ng Malacañang na nananatili pa rin ang trust and confidence ni Pangulong Aquino kay Villanueva.
Sinabi naman ni Villanueva, na bago pa lumutang ang mga whistleblower sa pork barrel scam ay nakikipag-ugnayan na siya at nagpapadala ng mga katibayan sa DOJ para malinis ang pangalan matapos ilabas ang COA special audit report hinggil sa maling paggamit ng pork barrel.
- Latest
















