‘Noodles scam case’, Petisyon ng 4 na opisyal ng DepEd, ibinasura ng CA
MANILA, Philippines - Ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang inihaing petisyon ng apat na opisyal ng Department of Education (DepEd) na napatawan ng preventive suspension matapos masangkot sa “noodles scam case†noong taong 2007 at 2009.
Sa 16-na pahinang desisyon ni Associate Justice Myra Garcia-Fernandez , idinismis ng CA’s 9th Division ang petition for certiorari nina DepEd’s Bid and Awards Committee (BAC) vice chairman Macur Marohombsar at BAC members Demetria Manuel, Nanette Mamoransing at Artemio Capellan Jr. dahil sa ito ay itinuring ng “moot and academicâ€.
Sina dating DepEd Secretary Jesli Lapus at Marohombsar, et al. ay kinasuhan ni Prudencio Quido Jr. at Myrna Gonzales ng graft and grave misconduct na nag-ugat sa umano’y ‘overpriced’ na pagbili ng fortified instant noodles “with fresh eggs†noong 2007 at fortified noodles “with fresh eggs and malunggay†noong 2009.
Sila ay pinatawan ng 6-na buwang preventive suspension ni dating Ombudsman Merceditas Gutierrez noong Pebrero 2011.
Nang kuwestiyunin ang ipinataw na suspension without pay sa Ombudsman ay hindi sila pinakinggan.
- Latest