Ex-SC justices nabahala sa Chacha
MANILA, Philippines - Ilang retiradong maÂhistrado ng Supreme Court sa pangunguna ni dating Chief Justice Reynato Puno ang nagpahayag kahapon ng pagkabahala sa panukalang amyenda sa mga pang-ekonomiyang probisyon ng Konstitusyon.
Ipinahiwatig ni dating Justice Vicente Mendoza na ilang probisyon ng KonsÂtitusyon ang magiÂging mabuway at walang katiyakan kapag ipinaÂtupad ang panukalang amÂyenda.
“Magiging pabago-bago at pansamantala anya ang mga patakarang nakatadhana sa Saligang-Batas kung laÂging babaguhin ang mga probisyon nito lalo na sa mga ipinagbabawal nito alinsunod sa kagustuhan ng Kongreso,†sabi pa ni Mendoza nang magsalita siya sa isang pagdinig sa House of Representatives Committee on ConstiÂtutional Amendments kamakailan.
Sa kasalukuyan, ipinagbabawal ng Konstitusyon na makalahok ang mga dayuhan sa mga economic activities na eksklusibo lang para sa mga Pilipino, Filipino corporations at associations.
Sinabi pa ni Mendoza na, kung tuluyang ipapaÂubaya sa Kongreso ang pagdedesisyon kung tatanggalin o hindi ang probisyong nagbabawal sa mga dayuhan na lumahok sa lokal na economic activities, mas makakabuting tanggalin na ito nang permanente kaysa sa maging pansamantala lang.
Ikinababahala rin ni Mendoza na ang panukala ay magbibigay sa Kongreso ng kapangyarihang magpatibay ng batas na bukod pa sa itinatadhana ng Konstitusyon.
Ayon naman kay Puno, mapanganib ang panukala. ‘Ang mungkahi ko, doon tayo sa ligtas. Iwasan natin ang hindi kinakailangang peligro.â€
Naniniwala rin sina Puno at Mendoza na dapat magkaisamang magpulong ang Senado at Kamara sa panukalang amyenda ng Konstitusyon habang magkahiwalay na magbobotohan.
- Latest