Extension ng TRO sa power hike pinuri
MANILA, Philippines - Umani ng papuri mula kay dating Pangasinan 3rd District Rep. Rachel Arenas ang pagpapalawig ng Korte Suprema sa temporary restraining order (TRO) na nagpapatigil sa dagdag singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco).
Ayon kay Arenas, kapuri-puri ang ginawang pagkilos ng Korte Suprema dahil kapakanan ng mga mamamayan ang apektado kapag hinayaan ang nasabing pagtaas.
Kasabay nito, iginiit ng dating mambabatas na may kapangyarihan ang pamahalaan na bawiin ang prangkisa ng power distributor kung kailangan.
Ayon kay Arenas, kapag nabigo ang Meralco na matugunan ang mga kondisyon ng nasabing prangkisa ay maaari itong bawiin ng pamahalaan anumang oras. “Kapag nakita ng pamahalaan na nakokompromiso na ang interes ng publiko ay maaari itong kumilos para bawiin ang prangkisa na ipinagkaloob sa Meralco at sa kahit sino pang power producer,†wika ni Arenas.
Bukas din si Arenas sa panukala na i-takeover ng pamahalaan ang operasyon ng Meralco at iba pang power plants kung matutuloy ang bantang malawakang brownout.
“Kung maaapektuhan nang husto ang takbo ng pamumuhay, negosyo at ekonomiya ng bansa at naaayon sa ating batas, puwede naman sigurong patakbuhin muna ng pamahalaan ang operasyon ng Meralco,†ani Arenas.
- Latest