Palasyo umaasang matatapos agad ang pork barrel probe
MANILA, Philippines - Umaasa ang Palasyo na mabilis na matatapos ang kaso ng pork barrel investigation sa gitna ng pangamba ng mga whistleblower na baka tapos na ang term ni PaÂngulong Aquino ay wala pang nangyayari sa kaso.
Sinabi ni Communications Sec. Herminio Coloma Jr., kaisa ng mga whistleblower ang Malacañang at mamamayan para sa mabilis na pagkakaroon ng hustisya sa imbestigasyon ng pork barrel scam.
“Kaisa po kami ng mga mamamayan na nagnanais na magkaroon ng kalutasan at ganap na pananagutan ng mga lumabag sa batas at ng mga nagkasala sa taumbayan sa umano’y maling paggamit ng pondo ng bayan,†wika ni Coloma.
“Kaya lang po iginagalang din natin ang pagiging indipendiyente ng Ombudsman na kasalukuyan pong sinusuri pa ang mga impormasyon at complaint na naihayag sa kanila at umaasa po tayo na ang mga proseso ng batas ay gaganapin sa tamang paraan at mapapanagot ang mga may pananagutan,†dagdag ng PCOO chief.
May pangamba ang mga witness na mabalewala ang kanilang pagÂlantad kapag hindi ito natapos sa termino ni PNoy.
- Latest