^

Bansa

Umento ng gov’t employees ipinaubaya sa Kongreso

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinaubaya na lamang ng Malacañang sa Kongreso ang pagpasa ng batas na magdadagdag sa sahod ng mga empleyado ng gobyerno.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, bahala na ang Kongreso kung magpapasa ng batas para madagdagan ang sahod ng nasa government employees sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bihilin.

Ipinunto ni Valte na noong 2012 naka-apat na tranch na ang Salary Standardization Law.

“Tingnan natin kung magpapasa ng batas kasi ilang tranch? Naka-apat na tranch tayo nung Salary Standardization Law natin noong nakaraang 2012, at sana’y marinig din po nung ating mga mambabatas,” sabi ni Valte.

Inihayag pa ni Valte na nakahanda naman ang executive branch na dumalo sa anumang hearings  na maaring ipatawag ng Kamara o ng Senado kaugnay sa posibleng pagtaas ng sahod ng mga manggagawa sa pamahalaan.

Kailangang magkaroon ng batas dahil hindi maaring ang Executive lamang ang magpasya para sa increase ng sahod ng mga kawani ng gobyerno, sabi ni Valte.

 

ABIGAIL VALTE

AYON

DEPUTY PRESIDENTIAL

INIHAYAG

IPINAUBAYA

IPINUNTO

KONGRESO

SALARY STANDARDIZATION LAW

VALTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with