Bike vs bike: Pulis, Kano patay
MANILA, Philippines - Patay ang 60-anyos na Amerikano at isang pulis habang sugatan naman ang misis nito makaraang magbanggaan ang dalawang motorsiklo sa Dapitan City, Zamboanga del Norte kamakalawa.
Kinilala ni P/Chief Insp. Ariel Huesca, spokesman ng police regional office-9 ang mga namatay na biktima na sina SPO1 Armand Dalman ng Sibutad PNP Station, 42, ng Brgy. Poblacion, Sibutad; at Stephen Orr ng #2114 Shreveport HWY 271 Pinville, Los Angeles at pansamantalang naninirahan sa Brgy. Banonong sa nasabing lungsod.
Isinugod naman sa pagaÂmutan si Nora Dalman na kawani ng lokal na pamahalaang bayan ng Sibutad.
Sa imbestigasyon, kaÂangkas ni SPO1 Dalman sa motorsiklo ang kaniyang misis nang makabanggaan ang kasalubong na motorsiklo ni Orr pagsapit sa kahabaan ng national highway sa Barangay Polo, Dapitan City.
Sa lakas ng banggaan ay kapwa tumilapon ang dalawang driver ng motorsiklo na nagtamo ng maÂtitinding sugat sa katawan at kapwa idineklarang patay sa Dr. Jose Rizal Memorial Hospital.
Patuloy namang isinasalba sa pagamutan ang misis ni Dalman na kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon.
- Latest