EDSA rites sa Palasyo idaraos
MANILA, Philippines - Sa Malakanyang na ipagdiriwang ang paggunita sa ika-28 anibersaryo ng unang EDSA People Power revolution sa Pebrero 25, ayon kay PCOO Secretary Herminio Coloma Jr..
Sinabi ni Coloma na isinagawa ang desisyong ito para sa kapakanan ng mga mamamayan at upang hindi na lumikha ng dagdag na problema ng trapik sa EDSA kaya magiging sentro ng pagdiriwang sa ika-25 ng Pebrero ang Malacañang Palace grounds.
Sa Malacañang anya idaraos ang flag-raising at ang traditional na salubuÂngan ng mga mamamayan at mga sundalo.
Magdaraos din ng pulong-bayan si Pangulong Benigno Aquino lll at makikipagtalakayan siya sa mga mamamayan mula sa iba’t-ibang sektor. Ang tema ng pagdiriwang sa taong ito ay “Kapit-bisig para sa Pagbangonâ€.
“Unti-unti nating inilalayo ang sentro ng selebrasyon sa kabayanihan ng mga nanindigan sa EDSA noong 1986 at tuÂngo sa pagbabayanihan ng mga Pilipino sa kasalukuyang panahon upang maibsan ang paghihirap na dulot ng maraming dekada ng korapsyon at pagsasamantala ng mga nasa kapangyarihan,†dagdag pa ni Coloma.
- Latest