^

Bansa

HDO pinalabas vs ex-solon

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpalabas ng Hold Depature Order ang Sandiganbayan laban kay dating Bacolod Rep. at ngayo’y Bacolod City Mayor Monico Puentevella.

Sa ipinalabas na HDO na nilagdaan nina Justice Gregory Ong, Justice Cristina Cornejo at Justice Jose Fernandez ng 4th Division ng Sandiganbayan, inatasan nito ang Bureau of Immigration na huwag payagang makalabas ng bansa si Puentevella at dalawa nitong kapwa akusadong sina Victoriano Tirol, dating regional director ng Department of Education Region 6 at Jessie Garcia, chairman of the board ng Merryland Publishing Corporation.

Ang kaso ay may kinalaman sa umano’y maano­malyang pagbili ng mga computer noong kongresista pa si Puentevella na may halagang P25 milyon gamit ang kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) mula 2002 hanggang 2007.

Sinasabing hindi duman sa public bidding ang pagbili ng computer packages sa Merryland sa halagang P400,000 bawat isa na anila’y overpriced bukod pa sa umano’y depektibo at hindi gumagana ang mga computer.

vuukle comment

BACOLOD CITY MAYOR MONICO PUENTEVELLA

BACOLOD REP

BUREAU OF IMMIGRATION

DEPARTMENT OF EDUCATION REGION

HOLD DEPATURE ORDER

JESSIE GARCIA

JUSTICE CRISTINA CORNEJO

JUSTICE GREGORY ONG

JUSTICE JOSE FERNANDEZ

MERRYLAND PUBLISHING CORPORATION

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with