P12-B agri fund ipinautang ng gobyerno
MANILA, Philippines - Pinaiimbestigahan ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto ang P12 bilyong agricultural fund na mula sa tariff payments ng bigas at iba pang agrizcultural imports na pinautang sa ilang grupo pero ang iba ay hindi na nabayaran.
Sa Senate Resolution 495 na inihain ni Recto, hiniling nito sa Senate Committee on Agriculture na imbestigahan kung ano na ang nangyari sa P12 bilyong Agriculture Competitive Enhancement Fund (ACEF) kung saan napakababa ng “repayment rateâ€.
May mga nangutang umano sa nasabing pondo na hindi na talaga nagbayad at nagtago na lamang.
“Some grantees, have done a Houdini and can no longer be found,†sabi ni Recto.
Base umano sa audit report ng nasabing pondo, may mga ipinalabas na pera o ipinautang ng walang collateral.
Nasa P2.5 bilyon ng nasabing halaga na ipinautang ang covered ng “letters of confirmation†na ang address ay hindi naman matagpuan o hindi nagre-reply.
Ipinaliwanag ni Recto na ang ACEF ay nilikha sa pamamagitan ng RA 8178 noong 1996.
Nasa 294 na pribadong indibiduwal umano ang nabigyan ng kabuuang loan ng P4.4 bilyon pero 23 lamang ang halos nakakabayad noong Disyembre 2011.
- Latest