^

Bansa

Korte pinamamadali sa rice smuggling case

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mismong si Senate President Franklin M. Drilon ang nanawagan kahapon sa hudikatura na pabilisin ang paglilitis ng mga kasong may kinalaman sa rice smuggling.

Ayon kay Drilon, ang hindi pagtugon at pagresolba sa mga kaso ng rice smuggling ang nagpapalakas ng loob para magpatuloy ng kanilang ilegal na gawain ang mga smugglers.

“Ang hindi agarang pagtugon at paglutas sa mga kaso ng rice smuggling na isinasampa sa korte ay nagpapalakas lamang ng loob ng mga smugglers na magpatuloy sa iligal nilang gawain. Kinakaila­ngang mapabilis ang pagresolba sa mga kasong ito na magsisilbing babala at panakot sa mga taong magtatangkang labagin ang batas sa iligal na pag-aangkat ng produkto,” sabi ni Drilon.

Aminado si Drilon na naaapektuhan na ang ekonomiya ng bansa sa patuloy na smuggling lalo na ang kabuhayan ng mga magsasaka.

“Naaapektuhan ang ating ekonomiya sa pagpapatuloy ng iligal na gawaing ito, subalit ang mga pinakaapektado ay ang mga mahihirap na magsasaka na maghapong nakabilad sa araw para lamang kumita at matiyak na mayroon tayong makakain,” patuloy ni Drilon.   

Idiniin ng pangulo ng Senado na kailangang magtulungan ang tatlong sangay ng gobyerno upang tuluyang masugpo ang smuggling sa bansa.

AMINADO

AYON

DRILON

IDINIIN

KINAKAILA

MISMONG

NAAAPEKTUHAN

SENATE PRESIDENT FRANKLIN M

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with