Eco-marathon karangalan sa Pinas, Roxas Blvd. iwasan hanggang Linggo
MANILA, Philippines - Maituturing ni Manila Vice Mayor Isko Moreno na isang karangalan hindi lamang sa Maynila kundi sa buong bansa ang pagdaraos ng Eco-MaraÂthon ng Pilipinas Shell.
Sinabi ni Moreno na tinalo ng Pilipinas ang Singapore at Europe upang idaos ang eco-marathon na indikasyon na maayos ang kalsada ng Luneta Grandstand kung saan gaganapin ang event.
Ayon kay Moreno, malaki ang maitutulong ng nasabing event sa lungsod dahil makakapagpalakas din ito ng mga negosyo sa lungsod lalo pa’t inaasahan ang pagdagsa ng may 3,000 dayuhan mula sa iba’t ibang bansa na lalahok sa event kung saan ipakikita ng mga ito ang kanilang galing sa paggawa ng sasakyan na gagamit lamang ng kaunÂting gasolina.
Kung ang isang daÂyuhan ay gagastos ng $1,000 sa loob ng isang linggo, aabot naman sa $3 milyon ang kikitain ng mga hotel, restaurant at maging ng mga maliliit na establisimyento.
Ito na rin anya ang tamang pagkakataon upang ipakita sa mga dayuhan na ligtas sa Maynila at walang dapat na ikabahala matapos ang hostage-taking sa Luneta noong Agosto 24, 2010.
Binigyan diin ni MoÂreno na tinitiyak nila ang seguridad ng mga participants gayundin ang mga manonood ng competition.
Dito ay ipakikita ng mga estudyante mula De La Salle University, Polythecnic University of the Philippines, University of Santo Tomas, Mapua Institute of Technology at Technological University of the Philippines ang kanilang galing sa paggawa ng sasakyan.
Samantala, pinayuhan ni Moreno ang publiko na iwasan ang Roxas Blvd. dahil sa sobrang trapik ng lugar bunsod na rin ng paghahanda sa eco marathon. Aniya may inihanda naman silang re-routing sa mga dadaan sa Roxas Blvd.
- Latest