^

Bansa

Convoy ng Army, mediamen pinasabugan ng BIFF

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Masuwerteng nakaligtas sa panibagong insidente ng pambobomba ng mga pinaghihinalaang rebeldeng Bangsamoro Islamic Freedom Figh­ters (BIFF) ang convoy ng tropa ng militar at tatlong television network sa Brgy. Tuka, Mamasapano, Maguindanao kahapon.

Batay sa ulat, sinabi ni Lt. Col. Ramon Zagala, Chief ng AFP-Public Affairs Office, alas- 2:05 ng hapon ng maganap ang pagsabog ng Improvised Explosive Device (IED) sa lugar.

Ang pagsabog ay naitala ilang minuto bago dumaan ang convoy ng tropa ng 46th Infantry Battalion ng Army lulan ng military truck na dumaan sa lugar.

Ayon naman sa mga opisyal ng Army’s 6th ID, BIFF ang hinihinala nilang nasa likod ng pagpapasabog.

Kasunod naman ng mga ito ang convoy ng media mula sa tatlong television network na kinabibilangan ng GMA 7 sa pangunguna ng reporter na si Chino Gaston at mga crew nito, ABS-CBN Channel 2  kasama ang reporter na si Ron Gagalac at mga crew at ang TV5.

Noong Pebrero 1 ng umaga, 12 katao kabilang ang anim na sundalo, apat na sibilyan at reporter ng TV5 na si Jeff Caparas at cameraman Adrian Bulatao ang nasu­gatan sa pambobomba ng BIFF sa Brgy. Lower Salibo, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao.

Dahil dito, sinabi ni Zagala na rerepasuhin ng militar ang mga panuntunan sa pagsama ng mga mediamen sa coverage at kung kinakailangang magtakda ng mga security measures na hindi naman makakaapekto sa media coverage.

“We advise them when following AFP convoys to keep safe distance and keep situational awareness when covering,” ang sabi pa ng opisyal.

ADRIAN BULATAO

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGH

BRGY

CHINO GASTON

DATU SAUDI AMPATUAN

IMPROVISED EXPLOSIVE DEVICE

INFANTRY BATTALION

JEFF CAPARAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with