Batas na tatapos sa kagutuman, isinulong sa Kamara
MANILA, Philippines - Isinusulong sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang isang panukalang batas na naglalayong tapusin ang kagutuman sa bansa.
Ang House Bill 3795 o ang Right to Adequate Food Bill ay inihain nina Akbayan partylist Reps. Ibarra Gutierrez at Walden Bello, Dinagat Islands Rep. Arlene Kaka Bag-Ao at Quezon City Rep. Kit Belmonte, kasama ang ilang mga katutubo.
Giit ni Gutierrez, nakasaad sa panukala na kinikilala ang right to food bilang isa sa pangunaÂhing karapatan ng mga Pilipino.
Layunin nito ang zero hunger sa loob ng 10 taon matapos na mapagtibay ang panukala.
Sa kabila nito, aminado naman ang kongresista na mahirap na target ito subalit kakayanin ito kung masusunod ang framework na inilatag sa panukala para wala kahit isang Pilipino ang magugutom sa hinaharap.
Isa umano sa posibleng gawin ng gobyerno ay i-subsidize ang budget sa pagkain ng mahihirap na pamilya para masiguro na wala ng magugutom pa.
- Latest