Elevated transport system ng M’luyong inilatag sa DOTC at Japan
MANILA, Philippines - Inilatag ng MandaluÂyong City ang panukalang elevated transport system sa DOTC-Ministry of Land, Infrastructure, Transport and Tourism, Government of Japan sa convention na ginanap kamakailan sa Crown Plaza Manila Galleria.
Ang Mandaluyong ang tanging local government unit na nagkaroon ng preliminary alignment na itinampok sa presensiya ng mga kinatawan ng Japanese government, top corporations at Mass Transport stakeholders sa bansa at Japan.
Dumalo rin sa kumbensyon ang mga opisyal ng JICA, Japan Embassy, Japan Transport and Planning Association, Ministry of Land Infrastructure and Transport, DOTC, LRTA, MMDA, BCDA at ibang LGUs sa panig ng gobyerno ng Pilipinas.
Sa kumbensyon ay hinimok ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos ang lahat ng siyudad na mag-invest sa mass transport sa secondary roads sa loob at labas ng mga hangganan at humingi ng kooperasyon sa mga kalapit-lungsod sa Metro Manila para ipatupad ang plano tungo sa maayos na galaw ng commuters na mailayo dahil sa paggamit ng primary thoroughfares.
Sinabi ng alkalde na ang pangangailangan ng mga lungsod sa Metro Manila ay malaking tulong para maibsan ang congestions at environmental issues ng mga local government units sa kalakhang Maynila.
Ang preliminary routes ay iprinisinta kabilang ang koneksyon ng Makati sa Rockwell para mapalaki ang tatlong tulay na umuugnay sa Pasig River at dalawa pang pagkakahanay sa buong lungsod patungo sa Commercial Business district greenfield.
Ang proyekto ay sa inisyatibo ng ordinansang inihain para kumuha ng mga dalubhasa para sa pre-feasibility study ni Mandaluyong City Councilor Boyet Bacar na bihasa at nanggaling sa mass transport-rail industry.
- Latest