Shell Eco-marathon Asia gagawin sa Rizal Park
MANILA, Philippines - Ang Shell Eco-marathon Asia ay magaganap sa Maynila ngayong Peb-rero sa Rizal Park sa pakikipagtulungan ng Shell companies in the Philippines, Department of Tourism, at ng pamahalaang panglungsod ng Maynila.
Ang Shell Eco-marathon Asia ay isang paligsahan kung saan maglalaban-laban ang iba’t ibang grupo ng mga estudyante sa paggawa at pagpapatakbo ng mga tinaguriang “cars of the future†– mga makabagong imbensyon na tipid sa gasolina o mga sasakyan na gumagamit ng alternative sources of fuel.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magaganap ang paligsahan na ito sa Pilipinas, at dadalo ang mga kalahok mula sa iba’t ibang bansa sa Asya.
Inaabisuhan ang mga motorista na isang bahagi ng Roxas Boulevard sa pagitan ng T.M. Kalaw at P. Burgos ay mag-iiba ng daloy ng trapiko sa piling mga araw at oras.
• Mula ika-2 hanggang ika-12 ng Pebrero, ang mga southbound o papuntang Pasay mula sa Bonifacio Drive ay maaa-ring kumaliwa sa P. Burgos street, kanan sa Ma. Orosa, kanan sa T.M. Kalaw, at kaliwa upang marating ang Roxas Boulevard.
• Sa ika-2 hanggang ika-5 ng Peb-rero, at sa ika-10 hanggang ika-12 ng Pebrero, mula hantinggabi hanggang alas-4 ng umaga, ang mga northbound o papuntang Intramuros na nasa Roxas Boulevard ay maaaring kumanan pagsapit ng T.M. Kalaw, kaliwa sa Ma. Orosa, kaliwa sa P. Burgos, at kanan upang marating ang Bonifacio Drive.
- Latest