Kaso ni Vhong bibilisan - DOJ
MANILA, Philippines - Tiniyak ni Justice Sectary Leila de Lima ang mabilis na pag-usad ng kaso sa patung-patong na reklamong kriminal na inihain ng actor/tv host na si Vhong Navarro laban kina Deniece Cornejo, Cedric Lee at anim pa.
Bumuo na ang Department of Justice (DOJ) ng panel of prosecutors na hahawak sa mga reklaÂmong isinampa ni Navarro na serious illegal detention, serious physical injuries, grave threats, grave coercion, illegal arrest at blackmail.
Itinalaga ni Prosecutor General Claro Arellano bilang miyembro ng panel sina Assistant State Prosecutor Olivia Torrevillas, Asst. State Pros. Hazel Decena-Valdez at Asst.state Pros. Marie Elvira Herrera.
Sakaling makitaan ng probable cause ang reklamo, agad isasampa sa korte ang kaso upang makapagpalabas ng warrant of arrest laban sa mga respondent.
Inilagay na rin sa lookout bulletin ng Bureau of Immigration sina Cornejo, Lee, Bernice Lee, Ferdinand Guerrero at Zimmer Rance kung saan inatasan ni de Lima ang lahat ng immigration offcers na agad iulat sa DOJ, Office of the Prosecutor General at NBI kung mamataan sa airport o seaport ang nabanggit na mga personalidad.
Ito’y kasunod ng impormasyon na lalabas ng bansa sina Cornejo at Lee, na nagpa-book sa PAL sa Pebrero 6, patuÂngong Singapore.
Samantala, bagamat napadalhan na rin ng subpoena, hindi naman tiyak kung sisipot sa NBI si Soledad Ramos, may-ari ng inuupahang condo unit ni Cornejo.
Pero paglilinaw ni NBI-NCR Assistant Regional Director Vicente de Guzman, sakaling nais manahimik ni Ramos, igagalang naman nila ang pasya nito.
Kahapon ay nagtungo naman ang ilang tauhan ng NBI kay Navarro para kunin ang cellphone nito at ma-trace muli ang palitan nila ng mensahe ni Cornejo.
Bitbit din ng NBI team ang litrato ng ilang personalidad para makita ni Navarro at matukoy kung sino sa kanila ang kasamang nanggulpi sa kanya.
- Latest