^

Bansa

Sa nabistong ‘wheel of torture’ ng pulis Random check sa mga piitan inutos

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inutos na kahapon ni PNP Chief Director General Alan Purisima ang pagsasagawa ng imbentaryo o random check sa lahat ng mga selda sa iba’t ibang units ng pulisya sa bansa.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief P/Chief Supt. Reuben Theodore Sindac ang direktiba ay kasunod ng pagkakabuking sa kontrobersyal na ‘wheel of torture” ng mga pulis na nasangkot sa brutal na pag-torture ng mga preso sa Laguna.

Una nang sinibak sa puwesto ang 10 miyembro ng Provincial Intelligence Branch (PIB) personnel ng Laguna Police matapos na ireklamo ng pag-torture sa mga detainees na itinali sa umiikot na roleta na kahalintulad ng ginagamit sa peryahan at iba pa. Ang insidente ay nadiskubre nito lang Enero bagaman nag-umpisa pa ito noong Disyembre 2013. 

Ayon kay Sindac, sa pamamagitan ng pag-iinspeksyon sa mga selda ay malalaman kung may ibang pulis na gumagawa ng pag-torture upang paaminin sa mga kasalanan ang mga nasasakoteng suspek sa kanilang hurisdiksyon.

AYON

CHIEF DIRECTOR GENERAL ALAN PURISIMA

CHIEF SUPT

DISYEMBRE

ENERO

LAGUNA POLICE

PROVINCIAL INTELLIGENCE BRANCH

PUBLIC INFORMATION OFFICE CHIEF P

REUBEN THEODORE SINDAC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with