^

Bansa

Palasyo sa MNLF: Sumali sa pagbuo ng Bangsamoro Basic Law

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanawagan kahapon ang Malacañang sa Moro National Liberation Front (MNLF) na sumali sa pagbuo ng Bangsamoro Basic Law na magbibigay-daan sa pagtatag ng Bangsamoro political entity na kapalit ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Sinabi ni PCOO Sec. Herminio Coloma Jr., mahalagang makiisa ang MNLF sa peace process lalo pa’t nalagdaan na ang huling annex sa Bangsamoro Framework Agreement.

Ayon kay Coloma, hindi sila titigil sa paghikayat sa MNLF at iba pang stakeholders dahil hangad nilang “inclusive” o pangkalahatan ang kapayapaan sa Mindanao.

Ang MNLF faction na Council of 15 na pinamumunuan ni chairman Muslimin Sema ay nagpahayag ng kahandaang masimulan ang unity talks sa MILF kung pangungunahan ng Organization of Islamic Conference (OIC).

Nagmamatigas naman sa pagtanggi ang paksyon ni Nur Misuari  dahil nabalewala raw sila sa binuong agreement.

 

AUTONOMOUS REGION

BANGSAMORO BASIC LAW

BANGSAMORO FRAMEWORK AGREEMENT

HERMINIO COLOMA JR.

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

MUSLIM MINDANAO

MUSLIMIN SEMA

NUR MISUARI

ORGANIZATION OF ISLAMIC CONFERENCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with