^

Bansa

Plebisito sa Cabanatuan ituloy na - Obispo

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang mataas na opis­yal ng simbahan ng Cabanatuan City sa Nueva Ecija ang nananawagan sa mga awtoridad na pahintulutan na ang pagdaraos ng plebisito para maging isang highly urbanized city (HUC) ang lunsod na ito.

Isinagawa ni Bishop Sofronio Bancud ang panawagan kasabay ng pagrarali ng libu-libong residente kamakalawa para hinging idaan sa botohan ang usapin.

Sinabi ni Bancud sa isang pastoral letter na, bagaman walang pinapanigan ang simbahan (Yes or No para sa HUC status), naniniwala siya na dapat nang ituloy ang plebisito.

Napigilan ang sana ay plebisito noon nang magpalabas ng temporary restraining order laban dito ang Supreme Court makaraang dinggin ang petisyon ni Nueva Ecija Governor Aurelio Umali.

Sinabi ng obispo ng lunsod na dapat ipaubaya sa mga halal na opisyal at mamamayan ng Cabanatuan ang usapin sa pamamagitan ng plebisito.

Ang mga nagrali sa Plaza Lucero sa St. Nicholas of Tolentine Cathedral ay nagdispley ng mga plakard na nagpoproklama ng “Yes or No, ituloy ang plebisito.

Noong Hulyo 4, 2012, ipinalabas ni Pangulong Aquino ang Presidential Proclamation No. 418 na ginagawang HUC ang Cabanatuan City habang inaabangan pa ang magiging resulta sana ng referendum sa Enero 25 na iniskedyul ng Commission on Elections.

Ikinakatwiran ng go­bernador na maaapek­tuhan ng proklamasyon ang buong lalawigan kaya dapat itong palahukin sa plebisito.

Naunang itinakda ng Comelec ang plebisito noong Disyembre 1, 2012 pero nakakuha si Umali ng TRO sa isang mababang hukuman at iniakyat ang kaso sa Supreme Court noong Nobyembre 2012.

Naging isang chartered city ang Cabanatuan noong taong 1050. Nagsilbi itong kabisera ng Nueva Ecija hanggang noong 1965 nang ilipat sa Palayan City ang tanggapan ng pamahalaang lokal.

Batay sa Republic Act No. 7160 o Local Government Code of 1991, mawawalan na ng administrative control sa Cabanatuan ang lalawigan ng Nueva Ecija kapag naging HUC na ang lunsod. Ang mga residente ng isang HUC ay hindi kailangang maghalal ng mga opisyal ng pamahalaang panlalawigan.

BISHOP SOFRONIO BANCUD

CABANATUAN

CABANATUAN CITY

LOCAL GOVERNMENT CODE

NOONG HULYO

NUEVA ECIJA

NUEVA ECIJA GOVERNOR AURELIO UMALI

PALAYAN CITY

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with