Albay, napili ng ECCP na susunod na industrial center
MANILA, Philippines - Napili ang Albay ng European Chamber of Commerce of the Philippines (ECCP) na magkaroon ng makabagong Special Economic Zone (SEZ) kung saan balak nitong magtatag ng mga “low-cost and labor-intensive manufacturing industries.†Mababa ang labor costs sa lalawigan at buong Bicol kung ihahambing sa Gitnang Luzon at Cebu.
Sa isang liham kamakailan kay Albay Gov. Joey Salceda, sinabi ni Henry J. Schumacher, ECCP vice president for external affairs, na napisil nila ang Albay para sa naturang proyekto dahil sa magandang “business climate,†mababang upa sa mga pasilidad, positibong pananaw sa mga public-private partnership (PPP) projects na tiyak na aakit sa mga mamumuhunan, at mahusay na “disaster mitigation and adaptation measures†nito.
“We feel that Albay could be such a location and we would like to discuss our concept in more detail with you,†sabi ni Schumacher. Nagpulong sina Salceda, Schumacher at John Forbes, legislative committee chair of the American Chamber of Commerce of the Philippines, kamakailan tungkol sa panukala ng ECCP. Namangha diumano ang dalawa sa bilis ng pagtuÂgon ng gubernador sa paÂnukala at sa kaagad na pagbuo nito ng Albay Domestic/Export Enterprise Zone Committee.
Ipinaliwanag ni Salceda na hindi dapat magsayang ng panahon ang Albay sa pagtugon sa maÂgagandang pagkakataon na makakatulong para maÂkamit ang mga pangkaunlarang layunin nito. Nakatuon ang panukalang proyekto ng ECCP sa mga industriya sa damit, sapatos at muebles kung saan malawak ang inilago ng Albay nitong nakaraan.
Tiniyak ni Salceda na lalong bibilis ang pagsulong ng ekonomiya ng Albay na ngayon ay ibinabandila ng kampanya nilang “Albay BOOM†kung magkakaroon ito ng SEZ.
- Latest