6-oras na trabaho sa teachers
MANILA, Philippines - Isinusulong ng mag-inang Pampanga Rep. Gloria Arroyo at Camarines Sur Rep. Dato Arroyo na gawing anim na oras na lamang ang trabaho ng mga pampublikong guro kada araw mula sa kasalukuyang walong oras.
Paliwanag ng mag-ina sa House Bill 2684, sobrang stress at pagod ang mga pampublikong guro sa walong oras na trabaho kaya mabuting bawasan na lamang ito ng dalawang oras.
Nakasaad pa sa panukala na ang trabaho ng mga ito na sosobra sa anim na oras ay dapat may katapat na dagdag kumpensasyon na katumbas ng 25% ng regular nilang sahod.
Bahagi umano ito ng pangangalaga sa kapakanan ng mga guro para patuloy silang maging epektibo sa kanilang papel sa lipunan.
Giit pa ng mag-ina, kung mapapaikli umano ang oras ng trabaho ng mga ito ay magkakaroon sila ng sapat na pahinga at makakapagturo pa ng mas maayos sa mga estudyante.
- Latest