Salceda, ‘2013 Filipino of the Year’ ng PAPI
MANILA, Philippines - Napili at pararangalan ng Publishers Association of the Philippines, Inc. (PAPI) si Albay Gov. Joey S. Salceda bilang “2013 Filipino of the Year†sa gaganaping 18th National Press Congress nito sa Pebrero 21-22, 2014 sa Isabela Hotel, Cauayan City Isabela.
Ayon kay PAPI President Luis T. Arriola, ang paÂrangal ay bilang pagpapahalaga at pagkilala sa mga makabuluhan at pandaigdigang “achievements†ni Salceda nitong nakaraang taon, lalo na ang pagkakahalal niya bilang chairman ng United Nations Green Climate Fund (GCF) kung saan kinakatawan niya ang Southeast Asia at ang lahat na mahihirap na bansa.
Ang parangal, dagdag ni Arriola, ay bilang pagkilala rin sa “pioneering advocacy for Climate Change Adaptation (CCA)†at malikhain niyang mga programa sa Disaster Risk Reduction (DRR) na ginagawa na rin ng ibang local government units at mga pambansang ahensiya ng pamahalaan at pati ng ibang bansa.
Kinikilala rin ng paraÂngal ang mahusay na sisÂtema niya sa pamamahala na naging daan upang makabangon ang Albay mula sa pagkakadapa dulot ng sunud-sunod na hagupit ng mga kalamidad nitong nakaraang ilang taon. Ang Albay ay malimit salantahin ng mga malalaÂkas na bagyo taon-taon.
- Latest