44 NPA landmine nasamsam
MANILA, Philipines - Umiskor ang tropa ng militar kasunod ng pagkakasamsam sa 44 landmine ng mga rebeldeng New People’s Army sa isinagawang operasyon sa liblib na bahagi ng Barangay Mansanitas, Agusan del Sur kamakalawa.
Ayon kay AFP-Eastern Mindanao Command Captain Alberto Caber, dakong alas-8:30 ng umaga nang matisod ng mga tauhan ng 1003rd Infantry Brigade ng Philippine Army ang mga landmine.
Nakasilid sa walong sako ang improvised landmine na gawa sa PVC pipes, battery, detonating cords at mga improvised firing devices.
Bago ito ay itinip ng mga residente sa mga nagpapatrulyang sundalo ang presensya ng mga armadong rebelde.
Ayon kay Caber, ang mga landmine ay gamit ng mga rebelde sa patraydor na pag-atake laban sa tropa ng militar kung saan may mga pagkakataong pati mga inosenteng sibilyan ay nadadamay.
Nagpapatuloy naman ang operasyon ng tropang gobyerno upang masupil ang posible pang paghahasik ng terorismo ng NPA rebs.
- Latest