Panuntunan para sa anti-drunk at drugged driving law, hinihintay pa rin
MANILA, Philippines - Patuloy na naghihintay ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at iba pang law enforcement agency sa “implementing rules and guidelines†para sa Anti-Drunk and Drugged Driving Act na layong mawalis ang mga lasenggo at adik na motorista sa bansa.
Sinabi ni MMDA Traffic Discipline Office head Francisco Manalo, tiyak na mapapalakas ang kampanya ng pamahalaan para sa mas ligtas na mga kalsada sa oras na tuluyang maipatupad na ang naturang batas dahil sa hindi lang MMDA ang hahabol sa mga lasenggo at adik na motorista kundi maging ang ibang ahensya ng pamahalaan.
Sa ilalim ng naturang batas, maaari nang isailalim sa “alcohol test on-site†ang isang motorista na mahuhu-ling lumalabag sa batas-trapiko at kapag nagpositibo ay agad na dadalhin sa pinakamalapit na istasyon ng pulisya. Ang mga motorista naman na masasangkot sa aksidente ay awtomatikong isasailalim sa “breath analyzer testâ€.
Maaaring i-deputized ng deputisasyon ng Land Transportation Office (LTO) ang mga traffic enforcers ng MMDA, at mga lokal na pamahalaan para maipatupad ang naturang batas.
Habang wala pang IRR ang batas, sinabi ni Manalo na kasalukuyan muna nilang isinasagawa ang breath analyzer campaign at random drug testing sa mga bus drivers sa Southwest Integrated Provincial Terminal sa Coastal Mall, Parañaque City upang matiyak na walang makalulusot na nagmamaneho ng lasing o nasa impluwensya ng iligal na droga.
- Latest