^

Bansa

Ekonomiya ng bansa, bumagsak - Pulse Asia

Angie dela Cruz at Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa sa dalawang Pinoy ang naniniwalang bumagsak ang ekonomiya ng bansa sa nakalipas na 12 buwan.

Ito ay batay sa resulta ng ginawang survey ng  Pulse Asia noong Disyembre 8-15, 2013.

Batay sa survey, 11 percent lamang ang naniwalang gumanda ang ekonomiya ng Pilipinas habang 40 percent  ang nagsabing walang nakitang pagbabago sa ekonomiya ng bansa.

Tumaas naman ng 21 percent ang bilang ng mga naniniwalang lumala ang ekonomiya ng bansa.

Kabuuang 43 percent naman ng mga Pinoy ang naniniwalang lumala ang kalidad ng kanilang pamumuhay sa nakalipas na 12 buwan kumpara noong Setyembre na nasa 35 percent lamang.

Nasa 45 percent naman ng mga Pinoy ang naniniwalang walang magiging pagbabago sa  kanilang kalidad ng  kanilang pamumuhay  sa susunod na 12 buwan.

May 67 percent naman ng mga taga Visayas  at 51 percent na taga Mindanao ang nagsasabing bumagsak ang ekonomiya ng bansa sa nakalipas na 12 buwan.

Karamihan naman ang nagsasabing matindi silang naapektuhan ng pagbagsak ng ekonomiya ng bansa -79 percent sa Visayas,  58 percent sa  Luzon, 57 percent sa Mindanao  at 51 percent sa Metro Manila.

Habang 79 percent naman mula sa NCR ang nagsasabing nag-improve ang kanilang buhay, 67 percent sa Luzon  at 64 percent sa Visayas.

 

BATAY

DISYEMBRE

LUZON

METRO MANILA

MINDANAO

PINOY

PULSE ASIA

VISAYAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with