^

Bansa

Blackout Protest sa Enero 21 lalarga

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Idineklara ng labor group Kilusang Mayo Uno (KMU) sa darating na Enero 21 ang “Blackout protest” bilang pambansang pagkondena ng mga manggagawa sa taas si­ngil sa kuryente na nais na maipatupad ng Meralco.

Sa isang press conference kahapon sa QC, ipinanawagan ng KMU kasama ang Bayan Muna  sa publiko na makiisa sa naturang protesta na gagawin sa Korte Suprema kasabay ng pagsasagawa ng pagdinig hinggil sa TRO na naipalabas kamakailan kaugnay ng power rate hike issue.

Hinikayat din ng naturang mga grupo ang taumbayan na patayin ang kanilang mga ilaw sa naturang araw, alas-7 ng gabi bilang bahagi ng malawakang protest blackout para pigilan ang taas sa singil sa kuryente.

Binigyang diin ni Roger Soluta, secretary-general ng KMU na dapat kumilos ang taumbayan sa usapin ng power rate hike bago ma-expire ang TRO hinggil dito na naigawad ng Korte Suprema noong December 23 at magtatapos makaraan ang 60 araw.

Batay sa pagbusisi ng independent think-tank Ibon Foundation, tumaas ang kita ng Meralco ng 56.3 percent kada taon sa loob ng nakalipas na 6 na taon mula P2.6 billion net income noong 2008 hanggang P16.3 billion noong 2012.

vuukle comment

BATAY

BAYAN MUNA

BINIGYANG

ENERO

IBON FOUNDATION

KILUSANG MAYO UNO

KORTE SUPREMA

MERALCO

ROGER SOLUTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with