Suhulan sa BOC sa rice smuggling bubusisiin
MANILA, Philippines - Tiniyak kahapon ni Senator Cynthia Villar na isasama ng kanyang komite sa gagawing imbestigasyon sa Enero 22 ang sinasabing suhulan sa Bureau of Customs kaya talamak pa rin ang rice smuggling.
Ayon kay Villar, chairman ng Senate Committee on Agriculture and Food, tuloy ang imbestigasyon ng kanyang komite sa rice smuggling sa bansa kung saan pagtutuunan ng pansin ang diumano’y sabwatan at suhulan na kinasasangkutan ng ilang tiwaling opisyal ng BOC.
Kabilang sa mga inaasahang dadalo sa pagdinig na gagawin sa Senate session hall sina Agriculture Sec. Proceso Alcala, Finance Sec. Cesar Purisima, Trade Sec. Gregory Domingo, Justice Sec. Leila de Lima, Customs Commissioner John Philip Sevilla, Ombudsman Conchita Morales, National Food Authority (NFA) Adm. Orlan Calayag, Securities at Exchange Commission Chairperson Teresita Herbosa, Davidson Tan Bangayan at iba pang stakeholders sa rice trading industry.
“Smuggling is one of the reasons why many of our farmers continue to live in poverty. The illegal entry of rice threatens their livelihood and the welfare of two-thirds of our population who depend on agriculture,†giit ni Villar.
Sinabi ni Villar na kailangan din nilang malaman kung naipatutupad ang committee recommendations sa ilalim ng Committee Report 763 noong 15th Congress ukol sa rice smuggling sa Subic Bay Free Port Zone at Port of Legazpi, Albay at ang NFA-Private Sector Financed Importation Program.
- Latest