Ika-50 kaarawan ni Napoles, normal na araw lang sa selda
MANILA, Philippines – Naging payak na araw lamang ang selebrasyon ng ika-50 kaarawan ng itinuturong utak sa likod ng bilyung-bilyong pork barrel scam Janet Lim-Napoles kahapon sa kanyang kulungan.
Sinabi ni Philippine National Police spokesman Reuben Sindac ngayong Huwebes na walang naging espesyal sa “golden birthday†ni Napoles sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa City, Laguna.
Dagdag ni Sindac na hindi humiling si Napoles na mapalawig ang kanyang visitation hours, hindi tulad noong Pasko at Bagong Taon.
Wala ring handaang nangyari at naging normal lamang ang mga pagkain nito tulad ng ham at itlog sa agahan, pork sinigang sa tanghalian at paksiw na bangus sa hapunan.
Naging bisita lamang ni Napoles sa kanyang kaarawan ang asawang si Jaime, mga anak na sina Christopher at James, isang pari at apat na kaibigan.
Nakakulong si Napoles dahil sa kasong serious illegal detention na isinampa ng pork barrel scam whistleblower Benhur Luy.
- Latest