^

Bansa

Fisheries law ng China ‘di kikilalanin - DFA

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanindigan kahapon ang Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi kikilalanin ng Pilipinas ang bagong fisheries law na ipinatutupad ngayon ng China sa Hainan province, na sakop ng West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez, hindi nire-recognize ng ating pamahalaan ang bagong batas ng China kaya patuloy na pinoprotesta ng DFA ang pagpapatupad nito.

Iginiit ni Hernandez na ang Hainan law ng China ay hindi lamang sa kanilang maritime zone kundi na­damay dito ang mga karagatang teritoryo ng mga kalapit bansa kabilang na ang Pilipinas partikular ang nasa may 200 nautical miles Exclusive Economic Zone (EEZ).

Ang nasabing batas na piniiral ng China ay epek­tibo nitong Enero 1, 2014 matapos nilang maipasa noong Nobyembre 2013 na nag-aatas sa mga dayuhang barko o anumang sasakyang pandagat na maglalayag sa kanilang inaangking teritoryo na hu­mingi muna ng permiso sa kanilang regional authorities bago magsagawa ng anumang aktibidad gaya ng pangingisda at surve­ying sa nasabing karagatan.

Sinasabi ng China na sakop ng kanilang teritoryo ang buong South China Sea o West Philippine Sea kabilang na ang EEZ ng Pilipinas. Dahil dito, hiniling ng DFA na klaruhin ng China ang kanilang batas.

Ayon kay Hernandez, tumugon na ang China kamakalawa at iginiit nila na ang bago nilang regulasyon ay isang implementasyon ng fisheries law ng China kung saan sinasaklaw nito ang hurisdiksyon ng Hainan­ province. 

Pinag-aaralan na ng DFA ang paghahain ng panibagong diplomatic protest laban sa China dahil sa nasabing pagpapatupad ng bagong fisheries law sa Hainan.

 

AYON

CHINA

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

EXCLUSIVE ECONOMIC ZONE

FOREIGN AFFAIRS SPOKESMAN RAUL HERNANDEZ

HAINAN

HERNANDEZ

PILIPINAS

WEST PHILIPPINE SEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with