Pinay caregiver wagi sa X-Factor Israel
MANILA, Philippines - Muling pinatunayan ang galing ng mga Pinoy matapos itanghal na first winner sa X-Factor Israel ang 47-anyos na pambato ng Pilipinas sa kilalang international talent competition na X-Factor Israel.
Nakakuha ng standing ovation sa mga hurado at audience ang Pinay caregiver na si Rose Fostanes ng kantahin niya ang kanyang redition ng “My Way†ni Frank Sinatra na nagdala sa kanya sa panalo kahapon.
Sa Pilipinas, ang “My Way†ay tinaguriang “killer song†o kinatatakutang kanta. Dahil sa pagkapanalo ni Fostanes, sinabi ng ilang netizens na binago ng Pinay OFW ang “kamalasang†bumabalot sa kanta.
Si Fostanes ay nagtatrabaho sa Israel sa loob ng apat na taon at sumabak sa nasabing kompetisyon at pumasok sa top ten hanggang sa top five at top 3.
Unang nagpamalas ang nasabing Pinay ng mga awiting “If I Ain’t Got You ni Alicia Keys at “Sweet Dreams†ng Eurythmics matapos niyang kantahin ang finale song na tumalo sa ibang finalists.
Unang napahanga nito ang mga judges at tumanggap ng standing ovation sa kanyang kantang “This is my life†na pinasikat ng singer na si Shirley Bassey.
Si Fontanes ang kauna-unahang winner para sa inaugural year o Season 1 ng X-Factor talent show sa Israel habang itinanghal na second place si Eden Ben-Zaken.
Nagpasalamat naman ang Pinay sa kanyang mentor na si Shiri Maimon, mga Israelis at libu-libong mga Pinoy na sumuporta sa kanya lalo na sa social media.
“Thank you so much for those Israeli who like my voice...thank you for giving me the chance to be in the X Factor Israel,†ani Fostanes matapos siyang tanghaling kampeon.
Ang nasabing Pinay na magsisilbing inspirasyon sa mga kapwa OFWs ay may 20 taon nang nagtatrabaho sa iba’t ibang panig ng Middle East at ngayon ay nasa Israel.
Samantala, binati naman ni Pangulong Aquino si Fostanes.
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, ikinatuwa ng Malacañang ang pagkapanalo ng Pinay.
“We are certainly very, very proud of…Rose that she was able to prove herself. We know the situation she was in and we are very, very proud that she has again given the Philippines pride in the showcase of her talents… The world knows that we are good not only in the States but everywhere you ask a Filipino to perform,†sabi ni Lacierda.
Ipinakita lamang ng Pinay na si Rose ang galing ng mga Filipina sa pagkanta na talagang “world classâ€, dagdag ni Lacierda.
- Latest