^

Bansa

Early registration ng DepEd sa Enero 25 na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Inanunsyo ng Department of Education ngayong Martes na sisimulan sa Enero 25 ang early registration sa lahat ng pampublikong paaralan sa bansa.

Sinabi ni Education Secretary Armin Luistro na nais nilang maagapan kung mayroong magiging problema bago ang enrollment ng mga estudyante.

"We want to prevent logistical problems when the new school year starts in June. If our school heads know how many students they will have ahead of time, they can better prepare classrooms and seats and learning materials," pahayag ni Luistro.

"Our collective aim is a smooth June school opening, that is why we are preparing as early as January," dagdag niya.

Aniya target din ng maaagang registration ang mga batang papasok sa kindergarten at grade 1 sa pagbubukas ng school year 2014-2015.

Tangka rin ng DepEd na mapabalik eskwela ang mga out-of-school children na may edad 5 hanggang 18.

Sinabi ng kagawaran na maaaring pumili ang estudyante ng klase ng edukasyon, ang pormal na alternative delivery mode o ang alternative learning system.

Makikipagtulungan ang DepEd sa lokal na pamahalaan, Parent-Teachers Associations, mga opisyal ng barangay, civil society groups, civic organizations at sa business sector.  

ANIYA

DEPARTMENT OF EDUCATION

EDUCATION SECRETARY ARMIN LUISTRO

ENERO

INANUNSYO

LUISTRO

MAKIKIPAGTULUNGAN

PARENT-TEACHERS ASSOCIATIONS

SCHOOL

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with