^

Bansa

Nat’l Day of Prayer sa Enero 20

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinihikayat ng Palasyo ang mga mamamayang Pinoy na makiisa sa National Day of Prayer sa darating na Enero 20 sa gitna na rin ng sunud-sunod na trahedya na dumating sa bansa.

Sinabi ni Communications Sec. Herminio Coloma Jr. na pangu­ngunahan ni Pangulong Aquino ang National Day of Prayer and Solidarity sa Malacañang na may temang “One Nation in Prayer.

Ayon kay Coloma, ang Isang Bansa, Isang Panalangin ay gaganapin bilang pagkilala ng sambayanang Pilipino sa kapangyarihan ng Poong Maykapal na gumagabay sa ating sama-samang paglalakbay tungo sa isang higit na maaliwalas na kinabukasan.

Lalahok dito ang mga pinuno ng pamahalaan at mga kinatawan ng iba’t ibang sektor.

Nauna rito, binanggit ng Pangulo sa kanyang talumpati sa vin d’ honneur na idinaos noong Biyernes ang pagkamangha ng mga dayuhang bansa sa katatagan ng ating bansa.

“Ito ay bunga ng matibay na pananampalataya ng mga Pilipino na pinalalalim at lalo pang nagiging matatag sa harap ng mga pagsubok,” paliwanag ni Coloma.

Noong nakaraang taon ay sunud-sunod na sakuna ang dinanas ng bansa tulad ng 7.2 magnitude na lindol sa Bohol at Cebu, at ang super typhoon Yolanda sa Visayas na pinakamatindi sa kasaysayan.

 

COLOMA

COMMUNICATIONS SEC

HERMINIO COLOMA JR.

ISANG BANSA

ISANG PANALANGIN

NATIONAL DAY OF PRAYER

NATIONAL DAY OF PRAYER AND SOLIDARITY

ONE NATION

PANGULONG AQUINO

PILIPINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with