^

Bansa

Bunkhouses iinspeksiyunin ni Marcos

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Iinspeksiyunin ni Se­nator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., chairman ng Senate Committee on Public Works sa susunod na linggo ang kontrobersiyal na mga bunkhouses na itinayo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

Gagawin ni Marcos ang inspeksiyon sa mga bunkhouses matapos maghain ito ng resolus­yon na naglalayong im­bestigahan ang napaulat na anomalya sa pagpapagawa sa nasabing mga bunkhouses.

Maging si Senator Mi­riam Defensor-Santiago ay naghain na rin ng resolus­yon para paim­bestigahan ang mga bunkhouses na magsisilbing pansamantalang tirahan ng mga biktima ng bagyo.

Ayon sa dalawang senador,  dapat matiyak na ligtas tirahan ang mga nasabing bunkhouses.

Nauna ng sinabi ni Santiago na dapat ring maipakita sa mga local at international donors kung saan napunta ang kanilang mga donasyon at matiyak na napapa­kinabangan ito ng mga biktima ng super bagyo.

 

AYON

BONGBONG

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

MARCOS JR.

PUBLIC WORKS

SENATE COMMITTEE

SENATOR MI

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with