^

Bansa

Naistranded na dugong na-rescue ng DENR

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nailigtas ng isang team mula sa Biodiversity Ma­nagement Bureau ng Department of Environment and Natural Resources (BMB-DENR)  ang isang dugong o seacow na napadpad sa baybaying dagat ng  Barangay Binulasan sa  Infanta, Quezon.

Sinabi ni BMB Director Ma. Theresa Mundita Lim, ang batang  dugong  ay nakita ng mga mangingisdang sina Michael at Manuelito Nolledong na na- stranded sa naturang baybayin dagat kaya’t agad silang humingi ng tulong sa local DENR office para maisalba ang dugong. 

“Fortunately, when the report of the stranded dugong came in, a technical staff from our CALABARZON office, Forester Jeff Cruz, was in the area so he led the rescue, including the gathering of necessary data,” pahayag ni  Lim.

Sinasabing nag low tide sa lugar kayat na stranded ang dugong na may habang 1.06 meters  at nailipat ito sa ligtas na katubigan sa barangay  Dinahican, Infanta pero ibabalik agad sa dagat oras na kumalma ang malalaking alon doon.

Ani Lim ang dugong ay isang endangered species kayat bawal itong hulihin at ibenta at ang sinumang lalabag sa batas  sa ilalim ng Republic Act 9147 o ang  Wildlife Resources Conservation and Protection Act ay mabibilanggo ng mula 6 hanggang 12 taon at multa na mula ₱100,000  hanggang ₱1 milyon.

 

ANI LIM

BARANGAY BINULASAN

BIODIVERSITY MA

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

DIRECTOR MA

FORESTER JEFF CRUZ

MANUELITO NOLLEDONG

REPUBLIC ACT

THERESA MUNDITA LIM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with