MANILA, Philippines - Tatagal pa hanggang summer ang outbreak ng tigdas sa bansa.
Ayon kay Health Secretary Enrique Ona, ito ang kanilang nakikita sa kanilang pag-aaral bagama’t nagsasagawa sila ng massive vaccination drive para sa inisyal na 12 milyon kabataan.
Sinasabi sa pag-aaral na ang peak ng measles ay sa pagpasok ng tag-init, kung saan mas mabilis ang development ng nasabing virus.
Dahil dito, nagpulong na ang city health officers sa Metro Manila para agad na masimulan ang maramihang pagbabakuna.
Sa latest information ng DoH, 1,724 confirmed cases nationwide, kung saan 744 sa mga ito ay mula sa Metro Manila.
Maging ang World Health Organization (WHO) ay nakaantabay din sa sitwasyon ng measles outbreak sa Pilipinas, matapos makahawa ang isang Pinoy sa ilang mananayaw ng New Zealand at Australia.