^

Bansa

House arrest ni CGMA pinaboran ni Miriam

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pabor si Senator Miriam Defensor-Santiago sa paglalagay kay dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Cong-resswoman Gloria Macapagal-Arroyo sa house arrest.

Ayon kay Santiago, hindi naman maituturing na “destabilizer” si Arroyo at tiyak na hindi rin ito tatakas palabas ng bansa.

Sinabi ni Santiago na malaki na ang ipinayat ng dating Pangulo na nakakulong sa Veterans Memorial Medical Center dahil sa kasong plunder simula noong Oktubre 2012.

Idinagdag ni Santiago na marapat lamang na mailagay sa house arrest si Arroyo bilang dating presidente ng bansa at kinatawan ngayon ng Pampanga.

Nangangamba si Santiago na posibleng mamatay sa detensiyon si Arroyo dahil sa patuloy nitong paghihirap.

Samantala, pabor naman si Senator Jose “Jinggoy” Estrada na makapag-piyansa si Arroyo.

Inihalimbawa pa ni Estrada ang kanyang kasong plunder noong panahon ni Arroyo kung saan pinayagan siya ng korte na makapaglagak ng piyansa kaya  siya noon nakalaya.

 

ARROYO

AYON

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

IDINAGDAG

INIHALIMBAWA

JINGGOY

PAMPANGA CONG

PANGULO

SENATOR JOSE

SENATOR MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

VETERANS MEMORIAL MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with