^

Bansa

Trader itinumba sa harap ng anak

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binaril ng malapitan at napatay sa harapan ng kaniyang 14-anyos na binatilyong anak ang 37-anyos na negosyan­teng misis ng mga armadong lalaki na lulan ng motorsiklo sa Barangay Sto Tomas South, bayan ng Jaen, Nueva Ecija kamakalawa.

Idineklarang patay sa Gonzalez General Hospital sa San Leonardo, Nueva Ecija ang biktimang si Aurora Cunanan Ilamparo ng Sitio Lumanas sa nasabing bayan.

Sa imbestigasyon, sinabi ni P/Chief Inspector Alexander Aurelio, naganap ang krimen bandang alas-5 ng hapon.

Sa pahayag sa pulisya ng 14-anyos na anak nitong si Johnmark kasalukuyan silang nag­lalaro ng mga kaibigan nang biglang dumating ang riding-in-tandem kung saan hinahanap ang kaniyang ina.

Bukod sa naunang nagtanong ay may dalawa pang kasamahan ang mga suspek na sakay din ng motorsiklo na sinusunod.

Agad namang tinawag ng bata ang kaniyang ina na nagkataong may ginagawa sa loob ng kanilang bahay pero paglabas ng biktima ay agad na niratrat ng isa sa apat.

Nagsilbi namang lookout ang ilan nitong kasamahan na matapos ang ilang saglit ay mabilis na tumakas.

Narekober naman sa crime scene ang  tatlong cartridge ng cal. 45 pistol at mga basyo ng bala.

vuukle comment

AURORA CUNANAN ILAMPARO

BARANGAY STO TOMAS SOUTH

BINARIL

BUKOD

CHIEF INSPECTOR ALEXANDER AURELIO

GONZALEZ GENERAL HOSPITAL

NUEVA ECIJA

SAN LEONARDO

SITIO LUMANAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with